Papa Dudut, excited na sa bagong yugto ng 'Barangay Love Stories' - GMA Network
View career opportunities in GMA Network, Inc.
Ang number one FM radio program at podcast show ay mapapanood na sa telebisyon simula sa September 12.
Ang mga minahal ninyong kuwento ng pag-ibig sa Barangay Love Stories, mas lalo nβyong tututukan dahil mae-enjoy nβyo na sa mas malaking platform.Β
Sa idinaos na grand media conference noong Lunes, September 7, hindi maitago ni Papa Dudut ang excitement sa bagong chapter na ito ng kanyang award-winning program.
Lahad niya, βThis is the opportunity para sa amin na makilala nβyo ang aming brand na aming pinagmamalaki.β
Pangako niya sa mga manonood at fans, βSiguradong pagkatapos nβyo mapanood ay [maiisip n'yo na] masarap pala ma-in love, at masarap palang ibalik βyung pakiramdam na nagmamahal at nagtitiwala ka muli kung minsan sa buhay mo ay sinaktan ka.β
Nagpaabot din ng pasasalamat ang multi-awarded DJ sa lahat ng miyembro ng press na dumalo sa kanilang media event para sa Barangay Love Stories.
Post ni Dudut sa Facebook, βThank you so much to all members of the press for making the Barangay Love Stories TV MediaCon on GMA a huge success!
βWe truly appreciate your time, support, and warm welcome as we begin this exciting new chapter.
βWe are looking forward to sharing more stories of love, heartbreak, hope, and life with all of you.β
Bibida sa Barangay Love Stories ang ilan sa pinakasikat at viral na talents ng Sparkle GMA Artist Center sa pangunguna ni The Master Cutter star Shuvee Etrata na makakatambal ang Kapuso Balikbayan Heartthrob na si Anthony Constantino.
Aabangan din sa Barangay Love Stories ang mga Pinoy Big Brother alums na sina Sofia Pablo, IΓ±igo Jose, Ashley Sarmiento, at Rave Victoria.
Tutukan ang pilot episode ng Barangay Love Stories sa GMA ngayong September 12, 4:00 p.m.


